August 10, 2014 Foundation Day Celebration





Another Foundation Day Celebration in the books. Here's my recap, thoughts etc...

Thanks to Pareng Ranel and Bro. Louie & company for the hilariously enjoyable ride going back to our school.

Obvious change na mapapansin mo sa registration eh yung laptops. Naks! Nice Batch 2004. Siguro improve na lang na one laptop for each batch next event. Para mabawasan yung waiting time sa pila ng registration. Also, yung database ng visit sana maimprove. Hindi kasi nakarecord na present ako last March 2014. Ayoko namang masabihan ng "drowing" lang. :lol: Hehehe!!! On a positive note, I welcome the effort to improve.

Ok din para sa akin yung mass sa loob ng Fr. Al,s Retreat House. Although kaunti lang talaga ang pede nyang ma-accomodate, pero parang mas solemn yung mass at mas less yung tendency na magkwentuhan at mag-ingay. Anyways, may mass pa naman sa afternoon for those graduates na hapon na makakapunta or di magkakasya sa loob.

Sa games, I liked the idea na pre-programmed na kung anong mga games ang lalaruin at magkasama ang 2 batch para magpalaro at magpasaya sa mga bata. Siguro mas ok, kung two consecutive foundation day magkasama ang 2 batch para mas maka-bonding at mas ma-improve yung pagfacilitate ng games. Ok po kasama ang ating mga kuya at ate from 3rd Batch. Mas maganda yung ahead na batch ang kapartner natin. Tayo ang mas bata. LOL!

Yung St. Augustine, 8 points lang overall. Dun lang yata sa count with clap game na finacilitate namin ni Pareng Edwin Ballaran nakapuntos. Hehehe!!! Buti na lang mabilis talaga silang natapos dun. Hehehe!

Thanks sa mga kabatch natin na nageffort magprepare ng food sa lunch para sa ating batch. Although, nabawasan ko yung ulam, dahil may natapon ako sa sasakyan ni Ranel. hehehe!!! Buti na lang di natapon lahat. Baka naulam ako bigla.

Special thanks to Mommy este Sexy Nancy for the ice cream dessert.

Salamat kay Bro. George Bautista sa mga updates about the alumni. Suportahan po natin ang FACFI, ASMSI at ang ating batch na magkapondo. At kay Pres. Divino for the steady leadership.

Sa akin, yung FACFI na para sa mga batang nag-aaral sa Sisters of Mary ngayon, yung ang dapat nating i-strive na matulungan talaga.

Yun naman pong annual dues per batch na Php 2000 na mapupunta sa ASMSI, I think kaya naman ng batch natin na maiprovide yun. Let's break it down to smaller amount para mas maging affordable. Ex. sa March, kung 200 na kabatch natin na present ang magbibigay ng 10 pesos each, covered na nun yung 2015 annual due ng batch 1995.

At syempre, yung para sa batch natin. Hindi po biro yung binibigay na oras at ginagawang effort ng mga officers natin voluntarily. So yung operating expenses po, sana matulungan naman natin ang ating batch.

At syempre, nagenjoy ako ng husto sa kwentuhan at bonding after the event sa bahay ni Donya Merly sa Imus. Nakabonding ko si Pareng Ranel, Louie w/ Jona, Edwin with Shirly & Tisha, MP with Jeng at Arieste w/o ********. Sumunod pa si Pres. Divino at napasama din sa umpukan si Kuya Ricky Terasola (5th Batch Varsity).

Naexercise na naman ang aking bahay-alak at utak sa kainan, kaunting inuman at sa sangkatutak na tawanan.

Salamat sa lahat lalong lalo na sa boss ko na pinayagan ako. Hehehe!!!

Sa uulitin.

Comments :

0 comments to “August 10, 2014 Foundation Day Celebration”

Post a Comment